Access keys | Skip to primary navigation | Skip to secondary navigation | Skip to content | Skip to footer
Problems viewing this site?
State Library of Queensland  >  Information for...  >  Other language groups (LOTE)  >  Filipino  >  Aklatan ng Estado  >  Mga Aklat at Mga Kagamitan  >  Mga database at mga aklat na mababasa sa internet (e-books)

Mga Database at mga aklat na mababasa sa internet (e-books)

Ang Aklatan ng Estado ay naghahawak ng maraming internasyonal na mga indeks at mga database [sa Ingles]. Makikita mo rito ang mga artikulo buhat sa mga journal, mga magasin at mga pahayagan. Ang ilang mga indeks ay magbibigay ng sipi o banggit sa may-kaugnayang mga publikasyon at ang iba ay magpapakita ng buong teksto ng artikulo.

Kung ikaw ay mayroong e-services card [sa Ingles] o ikaw ay isang miyembro ng pambayang aklatan ng Queensland [sa Ingles] maaari mong magamit ang ilan sa mga database [sa Ingles] buhat sa bahay, kabilang ang Australia/New Zealand Reference Centre , Newsbank, ang Health and Wellness Resource Center at ProQuest Science Journals.

Cat [bagong window] http://www.thelittlebigbookclub.com.au/cat/] Ito ay e-book para sa mga bata na isinulat ni Mike Dumbleton at iginuhit ni Craig Smith. Pumunta sa Oras ng Pagbabasa upang marinig ang kuwento o istoria sa 8 mga wika: Arabic, Cantonese, English, German, Indonesian, Italian, Pitjantjara at Vietnamese. Kailangan mo ng pinakahuling Flash plug-in upang matingnan ang site na ito. Sundin ang mga direksyon upang mai-download ang Flash, at upang hindi gumana ang lumalabas o pop-up blocker.

Ang Tulong sa Araling-Bahay (Homework Help) [sa Ingles] ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga website na pinili ng mga labraryan para sa mga mag-aaral ng mas mataas na primarya at mataas na paaralan. Kabilang sa mga paksang sinasaklaw ang mga hayop, geograpiya, pamahalaan, historya, matematika, relihiyon, siyensiya o agham, lipunan at ang kapaligiran at teknolohiya. Ang ilang napiling mga website ay naglalaman ng impormasyon na nasa mga wikang bukod sa Ingles.

Ang International Children’s Digital Library (ICDL) [bagong window http://www.icdlbooks.org/] ay naglalaman ng mga kagamitang nagpapakita ng mga pagkakatulad at mga pagkaka-iba ng mga kultura, mga lipunan, mga interes, mga uri ng pamumuhay at mga priyoridad ng mga tao sa paligid ng mundo. Ang koleksyon ay may dalawang pangunahing tagapanood.

Ang mga tulong sa paghanap at pagbasa ay makukuha na ngayon sa 9 na mga wika: Arabic, Chinese, English, French, Filipino/Tagalog, German, Hebrew, Persian/Farsi at Spanish.

Ang Netlinks [sa Ingles] ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga website na nasyonal at internasyonal, inayos batay sa paksa, at pinili ng mga labraryan para sa kanilang kapani-paniwala at mahusay o magaling na impormasyon.

Ang Press Display [bagong window http://library.pressdisplay.com/] ay nagpapakita ng buong kulay at buong pahinang koleksyon ng mga kasalukuyang pahayagan buhat sa paligid ng mundo. Mahigit na 200 mga titulo ang makukuha. Ang mga pahayagan ay maaaring hanapin batay sa bansa, titulo at wika. Ang batayang-salitang paghanap ay magagamit sa lahat ng mga titulo at napapaloob sa tiyak na mga paksa. Ang mga pahayagan ay makikita hanggang 45 mga araw.

Paki tandaan na ang Press Display ay magagamit lamang sa lugar o onsite sa South Bank Building ng Aklatan ng Estado.

 

Last updated: 5th June 2008

Creatively linking Queenslanders to information, knowledge and each other

Send us your feedbackEmail this page to a friendView a printer friendly version of this pageslqnews - subscribe now!